This is my response to PCEC National Director’s Bishop Efraim “Ef” Tendero’s opening statement on the Great Debate on RH Bill to be aired tomorrow on GMA.
I beg to disagree with this statement.
1. Ang RH Bill ay hindi moral sapagka’t hindi ito ayon sa utos ng Dios. Ang pagpapalaglag sa nilalang ng Panginoon sa pamamagitan ng birth control at ang pagbibigay ng sakit gaya ng kanser, stroke, deep vein thrombosis, osteoporosis, atbp sa mga kababaihan ay HINDI pagkalinga sa Kanyang mga nilalang.
2. Ang RH Bill ay hindi moral sapagka’t ito ay mapanlilang at pabor sa aborsyon. Hindi nito tahasang ipinagbabawal ang aborsyon kundi gagawing legal ang isang uri ng aborsyon, medikal na aborsyon o paggamit ng mga gamot na pampalaglag.
Bukod pa dito, sa unang pagkakataon, magkakaroon ng batas na lalong mag-eengganyo sa mga kababaihan na magpalaglag dahil magiging legal na at magkakaroon na ng pondo ang pagbibigay ng lunas para sa post-abortion complications. Lalo lamang lalaki ang negosyo ng mga ngayo’y patago na nagbebenta ng pampalaglag o nagbibigay ng ganitong “serbisyo” sa mga kababaihan tulad ng mga “hilot”.
Ang tunay na motibo ng mga nagsusulong ng RH mula sa ibang bansa ay ang abortion on demand, sa buong siyam na buwan sa kahit na anong dahilan.
Di ako makapaniwalang nabubulag ang maraming Pilipino sa panukalang batas na ito!
Malinaw na mailnaw, ayon sa Physicians’ Desk Reference, isang kilalang medical reference book, ang mga birth control pills ay pumipigil sa pag-implant ng isang bata matapos ng fertilization.
“Seasonale
MECHANISM OF ACTION
Estrogen/progestogen combination oral contraceptive; acts by suppression of gonadotropins. Primarily inhibits ovulation. Also produces other alterations including changes in the cervical mucus (increases difficulty of sperm entry into uterus) and endometrium (REDUCES LIKELIHOOD OF IMPLANTATION).Physicians’ Desk Reference, PDR.net“
Preventing implantation = MEDICAL ABORTION. According to prolife doctors, the birth control pill is both contraceptive AND abortive.
Hindi natin pwedeng ipaubaya sa isang ahensya ng gobyerno tulad ng BFAD (o FDA) ang bagay na ito. Una, dahil binigyan tayo ng Panginoon ng talino at sapat na kaalaman upang magpasya sa bagay na ito. Tayo ay nasa Information Age. Tatlong minuto lamang at nakahanap na ako ng impormasyon tungkol sa kontraseptibo at pampalaglag na Seasonale.
Ikalawa, maging ang mga tao sa gobyerno ay maaring magkamali (halimbawa, ang RU 486 ay inaprubahan ng FDA sa Amerika at ang Yaz at Yasmin naman ay inaprubahan ng Health Canada sa kanilang bansa.)
Ang mga ahensya ng gobyerno ay maaari ding mabayaran ng malalaking pharmaceutical companies, di po ba? Tutal sila naman ang talagang makikinabang dito, hindi ang mahihirap. Hindi ang mga Pilipino.
3. Ang RH bill ay imoral sapagka’t ito ay mapanlilang, nagpapalaganap ng maling kaisipan at solusyon patungkol sa problema ng kahirapan, at umaayon sa pakikialam ng gobyerno sa isang personal na bagay.
Nakakapanghina ng loob talaga na pati ang mga lider ng simbahan ay nagpapaloko sa population controllers mula sa ibang bansa. Ito ay isang malaking kasinungalingan na nagmula sa mga eugenicists na walang tiwala sa Dios. Hindi ito kailanman dapat paniwalaan ng mga mananampalataya.
Di talaga ako makapaniwalang nabubulag ang maraming Pilipino sa panukalang batas na ito!
Pinagdarasal ko pa din ang lahat ng pro-RH. Nawa’y mamulat kayo sa katotohanang ang RH Bill ay mula sa Amerika (NSSM 200), ang birth control ay abortifacient at dapat natin itong tutulan ng lahat ng mananampalataya, at hindi nito susulusyonan ang mga problema nating mga Pilipino bagkus, ito ay magdadala ng mas malaki pang problema gaya ng mas mataas na bilang ng mga babaeng may kanser (o iba pang sakit) at pati na din dami ng bilang ng mga nagpapalaglag.
<>< <>< <>< <>< <>< <>< <>< <>< <><
NO TO ABORTION! REJECT THE RH BILL!
Well said. Thank you for defending life! May many Christians, regardless of denomination, also see the need to be pro-life and fight the imminent danger called the RH Bill. God bless you.
Thank you, Bianca.
Yes! AMEN!
Well said madam! Thank you for being pro-life!